‘Double taxation’ hindi mangyayari sa federal set-up – Puno

     7 months ago
18
Leave a Comment
6 SHARE

Nilinaw ngayon ni dating Chief Justice Reynato Puno na siya ring chairman ng consultative committee ang sinasabing magkakaroon ng “double taxation” kapag naging federal na ang porma ng gobyerno ng Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Justice Puno na hindi ito mangyayari dahil magkakaroon ng hatian sa kapangyarihang magbuwis sa pagitan ng mga rehiyon o estado at sa federal government.

Ayon pa kay Puno, anim pang miyembro ng komite ang kulang para magkaroon ng kinatawan ang lahat ng sektor sa lipunan.

Kabilang daw sa kanyang inirekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ay mula sa hanay ng mga ekonomista, fiscal experts, mga eksperto sa international and foreign relations at sa militar.

Mainam daw na magiging balanse ang representasyon para maging katanggap-tanggap sa lahat ang bagong Saligang Batas ng bansa.

Source link

Post Comments