DPWH engineer sa Sulu, dinukot ng Abu Sayyaf – AFP

     7 months ago
30
Leave a Comment
10 SHARE

ZAMBOANGA CITY – Isang engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang panibagong dinukot ng mga kasapi ng teroristang Abu Sayyaf group (ASG) sa lalawigan ng Sulu.

Ayon sa impormasyon mula sa Jolo municipal police station, ang insidente ay nangyari bandang alas-8:00 ng umaga kanina partikular sa may Upper San Raymundo sa bayan ng Jolo.

Kinilala ang biktima na si Engr. Enrico Nee na naka-assign sa 1st District Engineering Office ng DPWH sa Sulu na nasa ilalim ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Nabatid na naghihintay ang biktima ng masasakyang tricycle na nasa 20 metro ang layo mula sa kanyang tahanan at 15 metro naman mula sa PNP outpost sa lugar nang lapitan ng mga armadong kalalakihan at saka tinutukan ng baril.

Isinakay umano ang biktima sa isang kulay itim at pulang Tamaraw vehicle at tinangay papunta sa direksyon ng Barangay Anuling sa munisipyo ng Patikul.

Ang insidente ay kinumpirma na rin ni Joint Task Force Sulu comamander Brig. Gen. Cirilito Sobejana.

Sinabi ni Sobejana na kasalukuyang nagpapatuloy ang pursuit operation ng kanilang tropa kasama ang kapulisan laban sa mga kidnapper upang ma-rescue ang biktima.

Inihayag ni Sobejana na ang panibagong pagdukot sa DPWH engineer ay parte pa rin ng mga kidnapping activities ng mga bandido sa Sulu upang makakuha ng ransom money para ma-sustain ang kanilang mga terror activities.

“Yes po we are on pursuit operation. The incident may be part of the express kidnapping of the ASG to get ransom payment and sustain their terror activities. JTF Sulu had alerted all checkpoints to possibly intercept the suspects and safely recover the victim,” pahayag pa ni Sobejana.

Source link

Post Comments