Drug pusher patay matapos manlaban sa buy bust operation sa Tondo

     6 months ago
42
6 Comments
39 SHARE

Patay ang isang drug pusher matapos umanong manalaban sa mga pulis habang nagsasagawa ng buy bust operation sa Brgy. 105, Maynilad Compound, Vitas, Tondo, Manila.

Ayon kay Supt. Jay Dimaandal, hepe ng Raxabago Police Station, alas-10:05 ng gabi, nagpanggap ang kanilang mga pulis na bibili ng P500 na halaga ng shabu sa isang alyas Kenneth na notoryus pusher sa lugar.

Nang magkaabutan na ng pera, nakatunog na raw ang suspek na aarestuhin ito kaya biglang tumakbo at nagtago.

Habang hinananap ang suspek, nakita raw ng isa kanilang mga pulis ang suspek na may dalang baril at pinaputukan sila.

Dito na gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkakamatay ng suspek.

Nakuha mula sa suspek ang anim na pakete ng shabu, 9mm na revolver, improvised shotgun at jungle knife.

Source link

39 SHARE

Post Comments