Drug suspect patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Maynila

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Nauwi sa engkuwentro sa pagitan ng mga pulis at dalawang tulak ng droga ang buy-bust operation na ikinasa ng Meisic Police Station (PS-11) sa Binondo, Manila.

Nangyari ang insidente madaling araw ng Lunes (Aug. 6) sa bahagi ng San Miguel road malapit sa Delpan bridge Binondo, Manila na ikinasawi ng isa sa mga suspek.

Nasawi ang suspek na si alyas na Junjun na nakasuot lamang ng maong na shorts at kulay gray na hoody jacket.

Nakatakas naman ang isang kasamahan nito na hindi pa rin nakikilala ng mga otoridad.

Narekober sa crime scene ang isang 9mm caliber pistol, dalawang transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at tatlong cartridge cases.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments