Drug suspect patay sa buy-bust ops sa Laguna

     2 months ago
22
Leave a Comment
5 SHARE

Patay ang isang suspek ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa San Pablo City, Laguna.

Kinilala ang suspek na si Gary Castillo.

Ayon sa pulisya, nagpaputok ng baril si Castillo nang simulan na ang transaksyon sa undercover policemen sa Barangay San Ignacio dakong ala-1:30 ng umaga.

Dahil dito, nauwi sa engkwentro ang operasyon.

Isinugod pa sa ospital si Castillo pero patay na nang dumating ito roon.

Narekober sa suspek ang kalibre .37 na baril at siyam na sachet ng hinihinalang shabu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

5 SHARE

Post Comments