Duterte, bababa sa 2022; ayaw ng 2nd term – Palasyo

     2 months ago
19
Leave a Comment
11 SHARE

Muling iginiit ng Malacañang na hindi na hinahangad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang manatili pa sa pwesto pagkatapos ng kanyang termino sa 2022.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabing ayaw na niya ng pangalawa pang termino at kung mapaaga nga ang pagpasa sa bagong Saligang Batas para sa pederalismo, bababa na sya sa pwesto.

Ayon pa kay Sec. Roque, kahit segundo ay ayaw ni Pangulong Duterte na magtagal pa sa pwesto pagsapit ng June 30, 2022.

Una ng sinabi ni Consultative Sub-committee on Political.Reforms chairman Julio Teehankee na maari pang maging presidente ng bansa si Duterte hanggang 2030 sa ilalim ng binuong draft ng Gederal Constitution.

Samantala, pinayuhan din ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ang mga nais mapaalis si Pangulong Duterte sa pwesto na hintayin na lang matapos ang termino ng pangulo dahil tiyak namang uuwi na siya agad sa Davao at walang balak na mapalawig pa ang kanyang termino.

Source link

Post Comments