Duterte: ‘Bahala sina Alvarez at Mayor Sara na ayusin ang bangayan’

     2 months ago
15
Leave a Comment
6 SHARE

Dumistansya si Pangulong Rodrigo Duterte sa bangayan nina Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa panayam sa Sara, Iloilo kaninang hapon, walang nasabi si Pangulong Duterte para matigil na ang palitan ng maaanghang na salita ng kanyang anak at ni Alvarez.

Sa halip ay sinabi ni Pangulong Duterte na pareho namang abogado sina Mayor Sara at Speaker Alvarez at hahayaan na lamang niya ang mga itong lutasin ang hindi pagkakaunawaan.

Ayon kay Pangulong Duterte, noon pa man ay sadyang gusto na ng kanyang anak na bumuo ng grupo sa Davao.

Inihayag pa ng pangulo na iniintriga lamang ito ngayon ng media at idinidikit sa hinalang plano umano ng anak na tumakbo sa mas mataas na posisyon o pagiging presidente.

Iginiit ni Pangulong Duterte na kung tutuusin ay ayaw na ng kanyang anak sa politika pero pinipigilan lang niya ito sa ngayon.

“Puro man sila abogado, ‘di hayaan ko. Inday — noon pa ‘yan, Inday wanted to just — kami may hugpong kami. Hugpong is group. Hugpong sa Davao. Hugpong is actually a Visayan word for grouping. Si Inday, local lang man ang dimensions niyan, ano lang ‘yan, ‘yung intriga. Media again,” ani Pangulong Duterte.

Source link

Post Comments