Duterte, binalaan ng ‘tax audit’ ang Globe at Smart

     2 months ago
24
Leave a Comment
20 SHARE

Nagpasaring ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang malaking telecommunications company sa bansa na ipapa-audit ang kanilang mga libro para matukoy kung tama ang binabayarang buwis ng mga ito sa gobyerno.

‘Nabuwisit’ umano si Pangulong Duterte matapos malaman sa ipinatawag na Cabinet meeting noong Lunes sa Malacañang na marami umanong demands ang mga telcos kaugnay sa napipintong pagpasok ng third party player sa unang quarter ng taon.

Sinabi ng Pangulo, hindi siya madadala sa pananakot  ng mga naghahari-hariang kompaniya sa telecommunications industry dahil baka sila ang busisiin ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon kay Pangulong Duterte, interesado siyang malaman kung tama ang binabayarang buwis ng Globe at Smart sa kanilang mga unang taon sa pagnenegosyo.

Binigyang-diin ng Presidente na hindi ito pangha-harass dahil gusto lang nitong malaman kung malinis ba ang mga kompaniyang humaharang sa pagpasok ng bagong kakumpitensiya para sa mas mabilis na serbisyo ng internet sa bansa.

“Yun naman dito sa telecommunication, ayaw ko na lang magyabang, meron silang maraming demands. But I had a warning for these people dito sa tel — telcom. Sabi ko sa kanila, just send them this message: “Do not -f***- this government.” Wala ako — ‘wag ninyo tatakutin, kaso-kaso. Maya-maya magdating ‘yang BIR and start to audit you during the first year of your business,” ani Pangulong Duterte.

Source link

20 SHARE

Post Comments