Duterte, binati ang pagkapanalo ni Pacquaio vs Matthysse

     2 weeks ago
53
Leave a Comment
59 SHARE

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakapanalo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa WBA welterweight title match kontra kay Argentinian boxer Lucas Matthysse.

Sa ipinadalang pahayag ng pangulo, sinabi nito na pinatunayan ni Pacquiao na hindi lang siya isang public servant kundi isang greatest boxer of all time.

Sinabi pa ng pangulo na sinelyuhan ni Pacquiao ang kanyang legasiya sa hall of fame sa mundo ng boksing.

Umaasa ang pangulo na patuloy na magbibigay ng inspirasyon si Pacquiao hindi lamang sa boksing kundi maging sa public service.

Dagdag ng pangulo, muling pinagisa ni Pacquiao ang bansang Pilipinas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

59 SHARE

Post Comments