Duterte: Claims sa West Phl Sea, igigiit pero sa diplomatikong paraan

     2 months ago
8
Leave a Comment
3 SHARE

Binigyang-diin muli ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanging sa diplomatikong paraan lamang maisusulong o maigigiit ng Pilipinas ang claims nito sa ilang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag kagabi sa selebrasyon ng 10th Biennial National Convention at 20th Founding Anniversary ng Chinese Filipino Business Club, Inc., sa Manila.

Maliban sa mga Filipino-Chinese businessmen, nasa okasyon din si Chinese ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.

Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi kailanman opsyon ang pakikipaggiyera sa China kundi idaan ang pagpupursige ng claims sa “friendly” at sibilisadong paraan.

Pero inihayag naman ni Pangulong Duterte na handa niyang itaya ang kanyang buhay, dangal, pagkapangulo para ilaban ang soberenya at teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“In front of the Ambassador, I’d tell you, we will insist but what would be the components of our demands and our insistence, well, we can only be diplomatic. We can only be talking on friendly and civilized terms. We cannot go there, ride in our whatever, Navy, the gray ships, the Coast Guard and start waving our rifles. We cannot do that today. It is unrealistic,” ani Pangulong Duterte.

Kasabay nito, nagbiro si Pangulong Duterte na kung gusto ng China, gawin na nilang probinsya ang Pilipinas para wala ng problema at libre na ang lahat.

“Gusto ninyo gawain niyo na lang kaming province, Fujian, Philippine province of China. Eh di wala tayong problema. Libre na lahat,” pagbibiro ni Pangulong Duterte.

Inihayag naman ni Amb. Zhao na biro lamang ito ni Pangulong Duterte.

Source link

Post Comments