Duterte ‘di sasawayin si Alvarez sa bantang ‘zero budget’ sa lalawigang kokontra sa federalism – Palasyo

     3 months ago
8
2 Comments
7 SHARE

Wala daw balak sawayin o pagsabihan ng Malacañang si House Speaker Pantaleon Alvarez kaugnay sa kanyang bantang “zero budget” sa mga lalawigan ng mga pulitikong kokontra sa federalism.

Magugunitang inihayag ni Alvarez na iginagalang nito ang karapatan ng mga pulitikong kokontra sa pagbabago ng porma ng gobyerno pero dapat din nilang igalang ang karapatan nitong bigyan sila ng “zero budget.”

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi gawain ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakikialam sa trabaho ng Kongreso.

Ayon kay Sec. Roque, ang pag-amyenda sa Saligang Batas ay katungkulan ng Kongreso at hindi magbibigay ng suhestiyon ang Ehekutibo kung paano ito isasagawa ng mga mambabatas.

Kinikilala daw nila kasi ang pagiging independent ng Kongreso na sangay ng pamahalaan.

Source link

Post Comments