Duterte, handang ibenta ang kaluluwa para sa mga OFW

     6 months ago
21
Leave a Comment
19 SHARE

 

Ibebenta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kaluluwa sa mga demonyo matiyak lamang na matutustusan ang pangangailangan ng mga nagsiuwiang Filipino Workers mula sa bansang Kuwait.

Sa talumpati ng pangulo sa oath taking ng mahigit isandaang presidential appointees, sinabi nito na hindi niya masikmura ang ginawang pangmamaltrato at panggagahasa ng mga mga dayuhang employer sa mga Pinoy workers.

Dagdag ng pangulo, hindi siya mag aautubili na ubusin ang pondo ng gobyerno para sa mga OFW.

Iginiit pa ng pangulo na hindi naman niya pag-aari ang pera ng bayan kung kaya marapat lamang na gastusin ito para sa taumbayan.

Kasabay nito, ibinunyag ng pangulo na mayroong tatlong Kuwaiti officials ang naghihintay sa kanya para ayusin ang isyu sa Pinoy workers sa Kuwait.

Ayon sa pangulo, hahayaan niyang maghintay ang mga Kuwaiti officials dahil wala na siyang gana pang kausapin ang mga ito.

Source link

19 SHARE

Post Comments