Duterte ipinaabot ang ‘concern’ sa Pinoy fishermen sa Scarborough Shoal – Chinese envoy

     2 months ago
12
Leave a Comment
7 SHARE

KAWIT, Cavite – Kinumpirma ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na ipinaabot sa kanya ni Pangulong Rodrigo Dutertw ang kanyang concern o pag-alala para sa kapakanan ng mga mangingisdang Pilipino na kinuhanan ng huling isda ng mga miyembro ng Chinese Coast Guard sa Scarborough Shoal.

Sa pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite, nagkausap sina Pangulong Duterte at Amb. Zhao sa Aguinaldo Shrine.

Sinabi ni Amb. Zhao, ang ipinarating sa kanya ni Pangulong Duterte ay katulad din ng concern ni Chinese President Xi Jinping sa mga Chinese fishermen.

Ayon kay Zhao, basta ang mahalaga ay magpatuloy ang “friendly arrangement” sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa pangingisda ng mga Pinoy fishermen sa Scarborough Shoal.

Kung sakali aniyang totoo ang report sa media na kinuhanan ng mga miyembro ng Chinese Coast Guard ng huling isda ng mga Pilipino, ituring itong “isolated incident.”
Iginiit ni Amb. Zhao na hindi ito kabuuan ng bilateral relationship ng Pilipinas at China o ang kasunduan sa pangingisda sa Scarborough Shoal.

“But President Duterte immediately (expressed) to me that (about his) concerns about Filipino fishermen as my President is concerned about Chinese fishermen but let’s continue to friendly arrangement. If anything happen, if the media report is somewhat true, let’s view it as an isolated incident. It should not reflect the whole picture of the bilateral relationship and should not reflect the whole arrangement with regard to the fishing in the waters around Huangyan or Scarborough,” ani Amb. Zhao.

Source link

Post Comments