Duterte, may ultimatum sa Kadamay members para lisanin balak okupahing pabahay

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng ultimatum na hanggang alas-12:00 ng tanghali ng Biyernes ang mga miyembro ng Kadamay na umalis na sa bisinidad ng mga pabahay ng gobyernong tinatangka nilang okupahin.

Kasabay nito, iniutos ni Pangulong Duterte sa PNP na kung hindi lisanin ng Kadamay ang mga nasabing pabahay, ipatupad ang buong puwersa ng batas laban sa mga magmamatigas.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang ultimatum sa Kadamay sa harap ng mga barangay officials na nanumpa sa lungsod ng Santa Rosa, Laguna.

Iginiit ng presidente na tama ang ginawa nitong pagpaparaya sa mga kasapi ng Kadamay na nang-okupa ng pabahay para sa mga pulis at sundalo sa Pandi, Bulacan noong nakaraang taon.

Ipinaalala ng pangulo sa mga miyembro ng Kadamay na kung nagkagulo, hindi na niya sagutin dahil gagawin lamang ng mga pulis ang kanilang mandatong ipatupad ang batas para sa kaayusan ng komunidad.

Galit pang inihayag ni Pangulong Duterte na sinusunog nga daw ng mga miyembro ng Kadamay ang kanyang mukha sa kanilang mga protesta pero may gana pa silang humingi ng pabahay sa kanya ngayon.

Source link

0 SHARE

Post Comments