Duterte, nag-ninong sa kasal – DZIQ Radyo Inquirer 990AM

     3 months ago
64
Leave a Comment
3 SHARE

Nagsilbing ‘sponsor’ si Pangulong Rodrigo Duterte sa kasal nina Director Gregorio Pimentel, pinuno ng PNP Directorate for Intelligence at dating singer at ngayo’y DSWD Assistant Secretary Michelle Ortega sa Baguio City Miyerkules ng gabi.

Sa mga larawan na ipi-nost sa social media ni Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go, makikita si Pangulong Duterte kasama ang bagong-kasal at ilan pang mga bisita sa okasyon.

Si Pimentel ay dating pinuno ng Highway Patrol group sa Davao.

Samantala, si Ortega naman ay kapatid ng dating artista na si Robert Ortega.

Bukod kina Pangulong Duterte at Go, dumalo rin sa kasalang Pimentel-Ortega sina Senador Tito Sotto, Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Source link

3 SHARE

Post Comments