Duterte sa gov’t hospitals: Asikasuhin ng maayos, libre ang mga isusugod na batang nabakunahan ng Dengvaxia

     6 months ago
27
Leave a Comment
9 SHARE

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng pampublikong ospital sa bansa na ibigay ang kaukulang medical attention sa sinumang mga bata o pasyenteng nabakunahan ng dengue vaccine na Dengvaxia kung may naramdamang kakaiba sa kanilang katawan at isinugod sa kanilang pagamutan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay resulta ng pakikipagpulong kahapon ni Pangulong Duterte kina Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Dante Jimenez, Public Attorneys’ Office (PAO) chief Persida Acosta at Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

Ayon kay Sec. Roque, sasagutin aniya ng gobyerno ang anumang gastusin sa ospital ng mga pasyenteng dadalhin sa pampublikong ospital na pinaniniwalaang nagkasakit dahil sa Dengvaxia.

Inihayag pa ni Roque na bukas si Pangulong Duterte na kumuha ng mga dayuhang ekspertong pathologist para magsagawa ng pagsusuri sa mga biktima.

Samantala, nanawagan si Roque sa mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia na maging mahinahon lamang at nasa panig nila ang gobyerno.

Nanawagan din ito sa mga nanay at tatay na wag matakot pabakunahan ang mga anak para sa ibang uri ng sakit dahil hindi lahat umano ng bakuna ay masama.

Mas nakasasama aniya kung hindi nabakunahan ang mga bata dahil baka ito magdulot ng mas malalang sakit tulad ng tigdas.

Source link

Post Comments