Duterte sa PNP: Kadamay na ookupa ulit ng pabahay, bitbitin at kasuhan

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na huwag payagang okupahin ng grupong Kadamay ang mga pabahay na nakalaan sa mga pulis at sundalo partikular sa tinatangka nilang agawin sa Rodriguez, Rizal.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, una at huli nang pagkakataon ang ginawang pagpaparaya noon ni Pangulong Duterte sa Kadamay nang lusubin at angkinin ang mga pabahay ng mga pulis at sundalong nakatiwangwang sa Pandi, Bulacan.

Ayon kay Sec. Roque, sakaling makapasok ang mga miyembro ng Kadamay sa mga pabahay sa Rizal, puwersahan silang bibitbitin ng mga pulis palabas at kakasuhan.

Kasabay nito, pinagpapaliwanag na rin ni Pangulong Duterte ang National Housing Authority kung bakit hinayaang nakatiwangwang at hindi pa nauukupahan ang mga bakanteng pabahay.

Source link

0 SHARE

Post Comments