Duterte, sasagutin ang piskal ng ICC hinggil sa Trillanes complaint – Palasyo

     7 months ago
26
Leave a Comment
5 SHARE

Nakahanda umano si Pangulong Rodrigo Duterte na sumagot sa prosekusyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa reklamo o impormasyong inihain ni Sen. Antonio Trillanes hinggil sa umano’y crime against humanity dahil sa anti-drug war ng administrasyon.

Kung maaalala, kinumpirma ng Malacañang na natanggap na nila ang notice ng ICC prosecutor kaugnay sa pag-usad ng impormasyon sa preliminary examination.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakatakdang igiit ni Pangulong Duterte sa kanyang sagot ang ligalidad ng kanyang anti-drug war at bahagi ito ng kanyang sovereign powers.

Ayon kay Sec. Roque, handa rin silang atasan ang Philippine National Police na magsumite sa ICC ng data ng mga patayan sa anti-drug war, bagay na wala man daw mapapatunayan kaugnay sa paratang na war against humanity.

Idinagdag pa ni Roque na bagama’t wala pang pormal na kaso, “looking forward” na si Pangulong Duterte bilang abogado na i-engage ang piskal ng ICC.

“The President has made it clear that he will communicate, he will assert the principle of complimentarily, he will assert the legality of the war against drug as a valid exercise of sovereign powers and therefore the element required for a crime against humanity is lacking,” ani Sec. Roque. “Well, the President himself is a lawyer. He looks forward in fact to engaging the prosecutor of the court as a former prosecutor himself.”

Source link

Post Comments