‘Duterte, tiwalang hindi na uusad ang reklamong kinakaharap sa ICC’

     2 months ago
13
Leave a Comment
6 SHARE

Kumpiyansa umano si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na uusad pa mula sa preliminary examination ang inihaing reklamo ni Edgar Matobato sa International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, inihayag ni Pangulong Duterte na may report na noon si dating United Nations (UN) Special Rapporteur on Extra-judicial, Summary or Arbitrary Executions Philip Alston kaugnay sa Davao Death Squad (DDS).

Ayon kay Sec. Roque, magugunitang pinawalang-sala na ni Alston sa anumang posibleng kriminal na pananagutan si noo’y Davao City Mayor Duterte.

Tanging nirekomenda raw noon ni Alston ay pagsampa ng kasong kriminal na simple negligence sa mga pulis ng Davao City in isinasangkot sa DDS.

Kaya tiwala aniya ang pangulo na kaparehong rekomendasyon din ang inaasahang ilalabas ng ICC sakaling uusad man ang reklamong war against humanity na kinakaharap nitong nag-ugat sa anti-drugs war.

“The president said that if the conclusion of the UN special rapporteur was that the police was only liable for simple negligence he is very confident that the prosecutor therefor do not go beyond preliminary examination and he is confident that at most what could be the finding would be similar to the finding of Philip Alston that sometimes not all the time police appear to be negligent in conducting against war on drugs,” ani Sec. Roque.

Source link

Post Comments