Engineer patay makaraang magbaril sa kanyang sarili sa Mindoro

     3 months ago
94
Leave a Comment
9 SHARE

Patay makaraang magbaril sa sarili ang isang opisyal ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO).

Kinilala ng Mimaropa police ang biktima na si Armando Gunay, 57-anyos, isang engineer at director ng ORMECO na nasa bayan ng Bansud at Bongabong.

Ayon sa ulat ng pulisya, alas-9:20 Biyernes ng gabi, habang nakikipag-inuman si Gunay sa bahay ng kanyang kaibigan sa Barangay Bagong Bayan II ay nagpakamatay ito sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo gamit ang kanyang Caliber .357 magnum revolver.

Nabatid na panay umano ang kwento ni Gunay sa kanyang problema kaugnay ng nalalapit na eleksyon sa directorial post ng ORMECO.

Bagaman pawang nagulat sa pangyayari ang kanyang mga kainuman ay sinikap pa rin ng mga ito na isugod sa ospital ang biktima na binawian din ng buhay habang itinatakbo sa ospital.

Hindi na nagsagawa ng imbestigasyon sa crime scene ang otoridad sa kahilingan na rin ng pamilya ni Gunay na naniniwalang walang anumang foul play sa pangyayari.

Source link

9 SHARE

Post Comments