‘Entitled’ si Joma Sison sa kanyang opinyon – Dureza

     2 months ago
14
Leave a Comment
3 SHARE

Iginagalang ng panig ng gobyerno ng Pilipinas ang naging negatibong reaksyon ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison laban sa hindi muna pagpapatuloy sa pagbabalik ng peace talks sa June 28.

Magugunitang inihayag ni Sison na ang desisyong ito ng gobyerno ay malinaw na indikasyong hindi seryoso ang Duterte administrasyon sa pakikipag-usap sa National Democratic Front (NDF) kasabay ng paghikayat sa magkabilang peace panel na isapubliko ang mga nilagdaang kasunduan noong June 9 at June 10 para sa pagpapatuloy ng peace negotiation sa itinakdang petsa.

Sa mensaheng ipinadala sa Bombo Radyo, sinabi ni Sec. Dureza na malaya ang sino mang maghayag ng sariling opinyon.

“Each one is entitled to his opinion,” ani Sec. Dureza.

Una ng nagpaliwanag din si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing desisyong huwag munang itong ang nakatakdang resumption ng peace talks ngayong buwan.

Inihayag ni Pangulong Duterte na nakausap niya mismo si Sison kung saan nito sinabing hindi pa siya handa at kailangan pa nito ng mas maraming panahon bago ituloy ang usapang pangkapayapaan.

“So I’m talking to Sison. Sabi niya June. No. I’m not ready for that,” ani Pangulong Duterte.

Source link

Post Comments