Environmental group hinimok ang publiko na tumigil na sa pagtatapon ng basura sa Manila Bay

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Humihirit ang environmental group na Eco Waste Coalition sa publiko na iwasan na ang pagtatapon ng basura sa Manila Bay.

Pahayag ito ng Eco Waste matapos maglutangan ang mga basura sa Manila Bay dahil sa habagat.

Ayon kay Daniel Alejandre, zero waste campaigner ng Eco Waste Coalition, malinaw ang mensahe ng nagdaang habagat na hangga’t hindi titigil ang publiko na gawing basurahan ang Manila Bay, babalik at babalik din ang basura.

Dapat din aniyang maging wake up call hindi lamang sa publiko kundi maging sa mga kinauukulan na panahon na para paigtingin pa ang environmental awareness at responsibilities ng tao.

Sinabi pa ni Alejandre na ang pag-apaw ng basura sa Manila Bay ay paalala rin na iwasan na ang paggamit ng mga plastic materials at iba pang disposable na mga gamit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments