Epekto ng TRAIN Law sa presyo ng bilihin, ‘very minimal’ – DTI

     3 months ago
41
Leave a Comment
3 SHARE

Dadagdagan pa umano ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang mga monitoring teams para tutukan ang mga negosyanteng magsasamantala sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Kasabay nito, hinikayat ni Trade Sec. Ramon Lopez ang publiko na agad isumbong sa DTI ang mga groceries at supermarkets na magtataas ng kaduda-duda sa presyo ng kanilang paninda.

Sinabi ni Sec. Lopez, “very minimal” ang epekto ng TRAIN Law sa presyo ng mga bilihin kung isasama ang karagdagang excise tax sa kabuuang production cost.

Ayon kay Lopez, sa produktong petrolyo, ang epekto ng excise tax ay nasa 0.4 percent lamang kaya hindi dapat tataas ng sobra ang presyo ng gasolina at diesel.

Sa de latang sardinas na may timbang na 155 grams na kasalukuyang P13.45 ay tataas lamang ng P0.04 habang ang corned beef na ngayon ay nasa P33.50 ay tataas ng P0.07.

Maging ang mga noodles, sabong panglaba, gatas, meat loaf at loaf bread ay hindi dapat tataas ng P1.

Source link

Post Comments