Estudyante patay sa salpukan ng van at motorsiklo sa Talisay City, Cebu

     7 months ago
40
Leave a Comment
5 SHARE

Isang estudyante ang nasawi sa aksidenteng kinasangkutan ng isang van at isang motorsiklo sa Talisay City sa Cebu.

Naganap ang aksidente Lunes ng umaga malapit lamang sa Talisay fish port sa South Road Properties (SRP).

Ayon kay Alvin Santillana, head ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang nasawi ay si John Narry Lu na isang HRM student sa Cebu Institute of Technology University.

Inaalam pa kung ano ang puno’t dulo ng aksidente pero halos hindi na makilala ang motorsiklo dahil sa lakas ng pagkakabangga.

Maliban sa nasawi mayroon pang isang nasugatan na dinala na sa pagamutan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

5 SHARE

Post Comments