Ethics case vs De Lima, Lacson at Trillanes, ibinasura ng Senate committee

     2 months ago
19
Leave a Comment
0 SHARE

Tuluyang ibinasura ng Senate ethics committee ang mga complaint na inihain ng ilang opisyal ng Kamara laban kay Sen. Leila de Lima.

Nag-ugat ang kaso sa pagharang umano ni De Lima na dumalo sa hearing ng lower House kaugnay sa dati nitong karelasyon na si Ronnie Dayan.

Giit ng ilang senador, walang kaugnayan sa trabaho ng mambabatas ang anumang isyu sa dati nitong kasintahan o sa pagdalo sa Congressional inquiry, maliban pa sa may pending case na ito sa lower court.

Ibinasura rin ang reklamo ni dating Customs commissioner at ngayon ay Office of Civil Defense Deputy Administrator Nicanor Faeldon kina Sens. Panfilo Lacson at Antonio Trillanes IV.

Matatandaang inakusahan ni Faeldon ng pag-abuso sa kapangyarihan ang dalawang senador dahil sa paggamit umano ng legislative immunity para siraan siya.

Kabilang sa reklamo ang isyu ng pagtanggap umano ng dating BoC chief ng “tara” at pasalubong sa kaniyang tanggapan.

Una rito, iminungkahi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagbasura sa mga reklamo ni Faeldon dahil sa kakulangan ng basehan.

Sa kabuuan, 13 kaso laban sa mga senador ang nakahain sa Senate ethics committe.

Source link

Post Comments