Evangelist na si Rev. Billy Graham, pumanaw sa edad na 99

     6 months ago
23
Leave a Comment
3 SHARE

 

Pumanaw na ang kilalang evangelist ng Amerika na si William Franklin Graham Jr., o mas kilala bilang Rev. Billy Graham sa edad na 99-anyos.

Si Graham ay nagsilbing tagapag-payo ng maraming mga presidente ng Estados Unidos at nakilala sa kanyang aktibong pagpapahayag ng salita ng Diyos sa loob ng maraming dekada.

Nagsilbing ‘confidant’ ng mga presidente mula kina Dwight D. Eisenhower hanggang kay George W. Bush ang pumanaw na pastor.

Ayon sa kanyang tagapagsalita na si Mark Demoss, pumanaw si Graham sa kanyang tahanan sa North Carolina dahil sa matagal na nitong sakit na kanser, at pneumonia at iba pang karamdaman.

Nagawang palawakin ni Graham ang pagpapahayag ng relihiyon at nilalaman ng Bibiliya sa mga Kristiyano sa Amerika at maging sa maraming bahagi ng mundo sa pamamagitan ng telebisyon, radyo at maging sa mga pahayagan.

Bago ang kanyang final crusade noong 2005 sa New York City, sinasabing si Graham na ang pinaka-maimpluwensyang evangelist sa Amerika.

Agad namang nagpahatid ng kani-kanilang mga mensahe ng pakikiramay ang mga kilalang personalidad at maging mga presidente sa pamilyang iniwan ni Rev. Graham.

Kabilang dito sina US President Donald Trump, Vice President Mike Pence, dating presidente George W. Bush at maraming iba pa.

Source link

3 SHARE

Post Comments