Ex-CPP chair Baylosis tumangging magpakuha ng mugshots, fingerprints

     3 months ago
18
Leave a Comment
3 SHARE

Tumanggi ang naarestong NDF consultant na si Rafael Baylosis na magpakuha ng kaniyang mugshots at fingerprints bilang bahagi ng proseso sa mga inarestong indibidwal at sumailalim sa procedural medical check up na ginagawa ng mga tauhan ng PNP Crime Laboratory.

Nagpumilit daw ang dating chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na bigyan siya ng special treatment.

Ayon kay CIDG-NCR chief Senior Supt. Wilson Asueta, kahit nagmamatigas si Baylosis sa payo ng kanyang mga abogado, kukunan pa rin nila ito ng mugshot at fingerprints dahil ito ay bahagi ng normal procedure.

Si Baylosis at ang kanyang kasamang naaresto ay isinailalim sa inquest proceedings kagabi sa CIDG-NCR headquarters kung saan sila nakakulong dahil sa security reasons.

Kasong illegal possession of firearms ang isinampa laban kay Baylosis at sa kasama nito.

Kinumpirma rin ni Asueta ang unang sinabi ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na walang outstanding warrant para kay Baylosis.

Pero paliwanag ni Asueta, nang magsagawa ng follow-up surveillance ang mga operatiba ng pamahalaan sa dalawang kahina-hinalang indibidwal, si Baylosis at ang kanyang kasama ay nahulihan ang mga ito ng dalawang caliber .45 na baril at granada na nakatago sa isang ecobag na puno ng brown rice.

Ayon kay Asueta, hindi alam ng mga operatiba na si Baylosis at Roque ang target ng operasyon at nakilala na lang nila ito pagkatapos maaresto.

Sa kabilang dako, asahan na ang susunod pang pag-arresto sa mga wanted na NDF consultants.

Ito ang inihayag ni Dela Rosa matapos maaresto si Baylosis na acting secretary din ng NPA, at sa kasamang NPA member umano na si Gullermo Roque.

Pero nilinaw nito na ang pag-aresto sa dalawa ay walang halong politika, at bahagi lang ng regular na trabaho ng PNP na ipatupad ang batas.

Binigyang diin ng PNP chief walang personalan at trabaho lang ang ginawa ng mga operatiba laban sa mga kilalang “enemies of the state.”

Source link

Post Comments