Ex-DOH chief Cabral, binalaan sa panawagang ihinto ang Dengvaxia probe

     2 months ago
23
Leave a Comment
6 SHARE

Maaring maharap sa kasong obstruction of justice si dating Health Sec. Esperanza Cabral kasunod nang panawagan nito sa Public Attorney’s Office (PAO) na ihinto na ang imbestigasyon na isinasagawa hinggil sa umano’y mga biktima ng dengue na nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.

Sinabi ni PAO chief Atty. Persida Acosta,  maaring kasuhan ang sinuman na humaharang, nagtatago at pumipigil sa isang ebidensya.

Kasabay nito,  pinayuhan niya si Dr.  Cabral na aralin daw ang Presidential Decre 1829 na tumutukoy sa obstruction of jusctice.

Ayon kasi sa PAO, mayroong “pattern” sa pagkamatay ng nasa limang bata na nabakunahan ng Dengvaxia, batay na rin sa autopsies na isinagawa ng mga forensic experts.

Pero sa kabila nito, umapela si Cabral sa Department of Justice na pigilan ang PAO sa pagsasagawa ng autopsies kasunod nang ulat ng mga experts mula UP-Philippine General Hospital na tanging tatlo sa 14 na umano’y biktima ng Dengvaxia ang namatay dahil sa Dengue.

Iginiit din ni Cabral na mas mainam daw na ipaubaya na lamang sa mga “competent forensic pathologists” ang imbestigasyon sa Dengvaxia-related deaths.

Dinipensahan naman ni Acosta ang competence ng PAO expers, sa pagsasabi na si Dr. Erwin Erfe, na nagsagawa ng mga autopsies, ay hindi lang basta forensic expert, kundi abogado rin na nakakaintindi sa legal implications ng kanyang findings.

Source link

Post Comments