Ex-US army sniper ‘Rambo,’ 2 iba pa, hinatulang guilty sa pagpatay sa Pinay

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Nahaharap sa habambuhay na pagkakabilanggo ang dating US soldier matapos mahatulang guilty kaugnay sa pagplano ng pagpatay sa isang Pinay noong 2012.

Kinilala itong si Joseph Hunter alyas Rambo, dating US sniper instructor.

Kasamang na-convict ni Rambo sa New York court nitong Huwebes, ang dalawang iba pa na sina Adam Samia, 43, at Carl David Stillwell, 50.

Napatunayan umano na nagsabwatan ang mga ito sa pagkidnap at tuluyang patayin ang Pinay na si Katherine Lee kung saan itinapon ang bangkay nito sa gabundok na basura sa lansangan.

Batay sa report, ito ay bilang bahagi ng murder-for-hire scheme ng international drugs smuggler na si Paul Le Roux kapalit ng $35,000.

Ugat ng krimen ay dahil inakala umano ni Le Roux na dinadaya siya ng Pinay real estate agent sa kanilang land deal.

Ayon sa mga prosecutor, nagtatrabaho ang 52-anyos na si Hunter bilang security chief for weapons nang i-recruit siya ni Le Roux kasama sina Samia, 43, at Stillwell, 50, na bumiyahe mula North Carolina patungo sa Pilipinas para sa kanilang “ninja work.”

Si Hunter umano ang sumagot sa mga firearms at silencers, habang ang dalawang kasama ay nagpanggap bilang potential clients ni Lee.

“While returning from a trip to the countryside outside of Manila, Samia pulled out a .22-caliber gun and killed the broker by shooting her twice in the face as she sat in the back seat of a van,” saad ng prosecutors.

Nabatid na kasalukuyan nang sinisilbihan ni Hunter ang 20-year sentence nito dahil sa iba pang mga kaso kabilang ang attempted murder sa US drug enforcement agent. (CNN/dailymail)

Source link

0 SHARE

Post Comments