Faeldon, ‘on leave’ ang status sa OCD habang nakakulong – Palasyo

     3 months ago
8
Leave a Comment
5 SHARE

Nilinaw ng Malacañang na magiging “on leave” ang status ni Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator Nicanor Faeldon.

Una na kasing sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bagama’t nakakulong si Faeldon sa Pasay City Jail, makakapagtrabaho pa rin ito at tatanggap ng kanyang sahod.

Pero nagpahayag na si Defense Sec. Delfin Lorenzana na ipapatupad sa estado ni Faeldon ang “no work, no pay policy” dahil kailangan nitong pumasok sa kanyang tanggapan.

Sinabi ni Sec. Roque, hindi naman makakagamit ng kanyang daily time record si Faeldon dahil sa pagkakakulong nito kaya maituturing itong “on leave.”

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment papers ni Faeldon noong Disyembre 22, 2017 bilang OCD deputy administrator at nanumpa nitong nakaraang January 16.

“Well, according to DND Secretary and the Office of Civil Defense is under the Department of National Defense, that’s regrettable. Secretary Lorenzana says, he cannot claim a salary because he has to report for work in order to claim his salary. He will, in effect, be on leave because he will not be able to use his daily time record,” ani Sec. Roque.

Source link

Post Comments