FBI, aminadong hindi agad inaksyunan ang tip tungkol sa Florida mass shooter

     2 months ago
12
Leave a Comment
4 SHARE

Inamin ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na bigo silang maaksyunan ang tip na natanggap ng ahensya tungkol sa mapanganib na pag-uugali ni Nikolaus Cruz.

Si Nikolaus Cruz ang suspek sa mass shooting sa Parkland, Florida na ikinasawi ng 17 kabilang ng mga estudyante.

Ayon sa FBI, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang taong may kaugnayan kay Cruz noon pang January 5.

Ilan sa mga itinimbre ay tungkol sa pagmamay-ari ng suspek ng mga armas, kahindik-hindik na posts nito sa social media at maging ang posibilidad nitong pagsasagawa ng mass shooting sa eskwelahan.

Gayunman, hindi sumunod ang FBI sa mga ‘protocol’ dahilan upang hindi sila nakapagsagawa ng imbestigasyon ukol sa nasabing tip.

Nakipag-usap na ang FBI sa pamilya ng mga naging biktima at humungi ng paumanhin sa maaaring karagdagang sakit na maidudulot ng pagkukulang ng ahensya.

Ayon kay FBI Direcot Christopher Wray, iniimbestigahan na nila ang pangyayari.

Source link

4 SHARE

Post Comments