February 23 rally ng mga kabataan no problem sa Malacañang

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Walang balak ang Malacañang na harangin ang nakatakdang kilos protesta ng mga kabataan sa February 23.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, umiiral kasi sa Pilipinas ang malayang pamamahayag kung kaya walang dahilan para harnagin ito ng gobyerno.

Gayunman, pinatitiyak ni Roque sa mga rallyista na siguraduhing idaan sa mapayapang pamamaraan ang kilos-protesta.

Iginiit pa ni Roque na dapat ding tiyakin ng mga estudyante na nagbabalak na dumalo sa kilos protesta na hindi liliban o magka-cutting classes.

Inatasan naman ng Palasyo ang mga otoridad na pairalin ang maximum tolerance para masigurong magiging maayos ang kilos protesta.

Source link

0 SHARE

Post Comments