Field office ng Bureau of Immigration sa Taytay, walang operasyon sa Lunes

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Inabisuhan ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko na walang magiging operasyon ang kanilang field office sa Taytay Rizal sa Lunes, June 11.

Sa inilabas na abiso sa publiko sinabi ng BI na ang June 11 ay idineklarang special non-working ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong lalawigan ng Rizal sa bisa ng proclamation number 502.

Ito ay bilang paggunita sa anibersaryo ng pagkakatatag ng Rizal bilang isang lalawigan.

Dahil dito, sinabi ng BI na hindi tatanggap ng anomang transaksyon ang kanilang Taytay Field Office para sa nasabing petsa.

Habang sarado din ang main office at lahat ng field offices ng BI sa June 12 na regular holiday naman sa buong bansa dahil sa paggunita ng Araw ng Kalayaan.

Balik sa normal ang serbisyo at operasyon ng BI sa June 13.

Ayon sa BI, para sa mga may importanteng aasikasuhin sa June 11, maaring makipag-ugnayan na lang sa kanilang hotline numbers na 465-2400.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments