Finance officer ng CPP-NPA sa Mindanao, naaresto sa Butuan City

     6 months ago
28
1 Comment
14 SHARE

(Update) BUTUAN CITY – Malaking kawalan umano para sa New People’s Army (NPA) ang pagkakaaresto ng isa sa kanilang finance officers kahapon sa Barangay Bading sa lungsod ng Butuan.

Ayon kay Capt. Anthony Al Pueblas, Civil Military Operations (CMO) officer ng 36th Infantry Battalion, Philippine Army, malaking accomplishment ng pulisya at militar, ang pagkakahuli kay Leonida Guao alyas Leah/Ligaya/Laya, finance officer ng CPP-NPA Komisyon Mindanao (KOMMID).

Ito ay hinuli dakong alas-2:50 ng hapon kahapon batay sa warrant of arrest na unang ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 7, Bayugan City, Agusan del Sur dahil sa kasong murder na may criminal case number 5809.

Si Guao na collector umano ng mga nakukuhang pera sa buong Mindanao ay naaresto nang pinagsanib na pwersa ng 402nd Brigade, 401st Brigade, Criminal Investigation Group (CIDG) at PNP Region-13.

Sinabi pa ni Capt. Pueblas, ang pagkakaaresto sa suspek ay nagpapakita lamang sa pinag-ibayong kampanya ng mga otoridad laban sa mga rebelde.

Sa ngayon nasa kustudiya na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Caraga ang suspek.

Source link

Post Comments