Findings ng expert panel sa Dengvaxia, ‘good news’ – Palasyo

     7 months ago
33
Leave a Comment
4 SHARE

Itinuturing ng Malacañang na “good news” para sa nasa 830,000 magulang ng mga batang nabakunahan ng dengue vaccine na Dengvaxia ang resulta ng ginawang pag-aaral ng mga sinasabing eksperto mula sa UP-PGH.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa report ng expert panel, mula sa 14 na batang umano’y namatay dahil sa dengue, 13 rito ay namatay na walang kinalaman sa Dengvaxia.

Ayon kay Sec. Roque, ibig sabihin nito ay isang kaso lamang ang posibleng may kinalaman o koneksyon sa kontrobersyal na bakuna.

Napag-alaman din daw na dalawa sa bangkay na isinailalim sa autopsy ay namatay sa dengue kaya nagkaroon ng vaccine failure o hindi guman ang bakuna.

“And finally, good news to the 830,000 parents whose children were given the Dengvaxia vaccine: The UP-PGH tasked by the DOH to conduct an independent study on deaths, alleged deaths of children due to Dengvaxia reported that, out of 14 children examined who allegedly died because of Dengvaxia, only 13 of them—well, 13 of them were found to be unrelated to the vaccine. I repeat, out of 14 remains examined by UP-PGH, 13 of them were found to be totally unrelated to the vaccine. This means that only one case might be casually or causally associated with the vaccine,” ani Sec. Roque.

“Now that is, that the one with dengue and with anti-bodies to dengue. Although it has yet to be determined if the vaccine had anything to do with the death, now in 2 of the children autopsied, it was noted that vaccine failures may have been the cause. This means that anti-bodies were produced so they could not have suffered from an anti-body enhanced reaction.”

Source link

Post Comments