Foreign telecom companies na nais pumasok sa Phl, dumami – Palasyo

     3 months ago
20
1 Comment
8 SHARE

Nadagdagan pa ang international telecommunications company na nagnanais na maging third party player na nakahandang mamuhunan sa Pilipinas at magiging kakompetisyon ng dalawang telecommunications network na inuulan ng reklamo.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, iniulat ni Department of Information and Communications Technology (DICT) officer-in-charge Eliseo Mijares Rio Jr. kay Pangulong Rodrigo Duterte ang interes ng PT&T company na makilahok sa pagpapaganda ng telecommunication services sa bansa.

Una na lumutang ang China Telecom na nakahandang maglagak ng puhunan na inaasahan namang wawasak sa “duopoly” ng local telecommunications industry.

Ayon kay Sec. Andanar, minamadali na ng DICT ang kailangang mga dapat gawin upang makapasok na ang mga interesadong third players na tiyak na magbibigay ng magandang benepisyo sa mga subscriber at magpapalakas sa kompetisyon ng mga nasa telecommunications industry.

Inihayag ni Andanar na makakahikayat ito sa dalawang higanteng telcos sa bansa para maglabas ng kanilang pondo at pagandahin ang kanilang serbisyo lalo sa pagpapabilis ng internet connection.

“At nabanggit nga ng DICT Acting Secretary Rio na dalawa ang so far interested na maging third player sa telecommunications industry. Una, iyong China Telecom, plus iyong consortium na hindi pa ho nababanggit; at pangalawa pong nasa listahan ay iyong grupong PT&T ay iyong kanilang partner na Korean telecom company. So, we can really see that even just the announcement itself ay nahikayat po iyong dalawang telco giants na ito na mag-invest ng pera para pagandahin pa iyong kanilang serbisyo,” ani Sec. Andanar.

Source link

Post Comments