Foreign terrorist na may koneksiyon sa ISIS, naaresto ng AFP-PNP sa Maynila

     2 months ago
15
Leave a Comment
0 SHARE

Arestado ang isang foreign national na umano’y may ugnayan sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa isang apartment sa Maynila kasama ang umano’y Filipina wife nito.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief director Gen. Ronald dela Rosa ang banyaga na umano’y miyembro ng ISIS na si Fehmi Lassoued, isang Egyptian national, at Pinay wife na nakilalang si Annabel Moncera Salipada, 32, tubong Upi, Maguindanao.

Nadakip ang banyaga sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) operatives at PNP intelligence community.

Si Lassoued ay hinuli batay sa search warrant na unang inilabas ng Makati Regional Trial Court kasunod ng isinagawang case buildup sa suspek.

Kalagitnaan ng July 2016 ng pumasok sa bansa si Lassoued gamit ang pekeng passport.

Nakuha sa posisyon ni Lassoued ang ilang piraso ng improvised explosive device, firearms and ammunitions, ISIS flag, at mga dokumento na naglalaman daw ng kanilang plano sa paglunsad ng terror attack sa Pilipinas.

Ayon sa PNP chief, batay sa ibinigay na deskripsyon ng foreign intelligence, isang ISIS commander at negotiator si Lassoued na nagtatrabaho para sa teroristang grupo sa mga bansa gaya ng Syria.

Nilinaw naman ni Dela Rosa na bagama’t isang international terrorist si Lassoued, patuloy pa rin itong iniimbestigahan.

Sinabi pa ni Dela Rosa na labas pasok sa bansa si Lassoued na galing pa sa Islamabad at Kuala Lumpur.

Source link

Post Comments