‘Frigate deal controversy’ layuning biguin ang administrayon – Bong Go

     7 months ago
23
Leave a Comment
6 SHARE

Binigyang-diin ngayon ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na biktima lamang siya ng “fake news” kaugnay sa pagkakadawit sa kontrobersyal na frigate deal.

Sa kanyang pagdalo sa imbestigasyon ng Senado, sinabi ni Sec. Bong Go na hindi siya nakialam sa kontra na natapos na ang bidding noon pang bago natapos termino ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Sec. Go, kaya nais niyang ipatawag din sa Senado ang Rappler at Inquirer na naglabas ng nasabing balitang nakialam siya sa kontratang nagkakahalaga ng P15.5 billion.

Aminado si Bong Go na mahirap sagutin ang bintang na wala naman siyang kinalaman.

Inihayag pa ni Bong Go na ang reklamo hinggil sa frigate deal ay isa lamang sa libu-libong reklamong natatanggap nila sa Malacañang at iniiendorso sa mga kinauukulang ahensya.

Naniniwala rin si Bong Go na ang kontrobersya ay layuning harangin ang implementasyon ng mahalagang security program at tiyaking mabibigo ang administrasyon.

“But this controversy is seriously derailing the implementation. Maybe it is their intention to block the implementation of this important security program, and make sure that this administration will fail,” ani Sec. Go.

Source link

Post Comments