Gilas player Terrence Romeo nasangkot sa gulo sa QC

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Nasangkot sa kaguluhan sa isang bar sa Quezon City ang grupo ng basketball player na si Terrence Romeo.

Dinala sa station 10 ng Quezon City Police District (QCPD) si Romeo maging ang kaniyang mga kasama.

Ayon sa nagreklamong si Clarisse Cabrera, nagpakuha ng larawanang kaniyang mister kay Romeo nang makita nila ito sa bar sa Tomas Morato.

Inakala umano nilang ok lang ang lahat, pero kalaunan, nilusob umano ng kasama ni Romeo ang kaniyang mister at saka ito sinuntok.

Isinailalim lang sa pagtatanong si Romeo pero kalaunan ay pinayagan ding umalis sa himpilan ng pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaniyang grupo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments