Gov’t offices, eskwelahan ‘nanakawan’ ng 2-K data – Nat’l Privacy Commission

     3 months ago
30
Leave a Comment
15 SHARE

Ikinababahala ngayon ng National Privacy Commission (NPC) ang banta na magamit sa identity fraud ang mga sensitibong impormasyon na umano’y nanakaw mula sa ilang eskwelahan, institusyon, at tanggapan ng lokal na pamahalaan sa bansa.

Sa isang pagpupulong ipinatawag ng NPC ang mga opisyal mula sa Taguig City University, Republic Central Colleges, Angeles City; at Laguna State Polytechnic University.

Ipinatawag din ang mga opisyal mula sa tanggapan ng Department of Education sa Bacoor, Cavite at Calamba, Laguna; pati na ang provincial government ng Bulacan, at Philippine Carabao Center.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng NPC, aabot sa 2,000 datos na bukod sa basic information na pangalan, address, at contact numbers, ay kinabibilangan din ng mga password at school records.

“The combined number of exposed records in the breach were those of at least 2,000 individual data subjects. They include their name, address, phone number, email address, and in some instances, even passwords and school details,” ani ng NPC.

Kinuwestyon ng tanggapan ang mga opisyal dahil sa delayed report ng mga kaso matapos mabatid na noong April 1 pa nangyari ang insidente.

Napag-alaman din kasi na ginawang downloadable ang mga naturang datos sa Facebook gamit ang isang link.

“This, to explain why they did not notify, within 72 hours of the breach, the NPC nor the affected data subjects, whose personal data were made available for download via links posted on Facebook.”

Ayon kay Privacy commissioner Raymund Liboro, paglabag sa Data Privacy Act of 2012 ang hindi pagsusumite ng notification ng mga naturang opisina hinggil sa insidente.

“None of the affected organizations were able to issue any data breach notifications whatsoever, as part of their obligations as Personal Information Controllers (PICs) under the Data Privacy Act of 2012. PICs are required to employ organizational, technical, and physical measures to protect personal data,” ayon kay Liboro.

Source link

Post Comments