Grab driver lumaban kaya binaril sa ulo

     2 months ago
43
Leave a Comment
0 SHARE

Halos sumabog ang dibdib ni Brenda Maquidato Jr., ang may bahay ng pinatay na Grab driver na si Jhunjie Maquidato dahil wala na siyang pagsisidlan ng galit nang makaharap at marinig niya ang pagdadahilan ng umaming suspek sa krimen na si Narc Delemios, alias Miko.

Iprinisinta ni PNP Chief Ronald dela Rosa si Delimios matapos itong sumuko at narekober na rin sa Tarlac ang tinangay na Toyota Innova ni Maquidato.

Sa pag-amin ni Delimios, sinabi nito na ang pera lang ni Maquidato ang kanyang habol ngunit nanlaban ito kaya’t kanyang nabaril sa ulo.

Humingi din ito nang pagpapatawad sa pamilya ng kanyang biktima bagaman aminado rin siya na hindi na kahit anong pagsisisi ay hindi na niya maibabalik ang buhay ni Jhunjie.

Nang hingan naman ng pahayag si Brenda, sinumbatan nito ng husto si Delimios sa pagpatay sa kanyang mister sa pagsasabing napakabuting asawa at ama ng biktima.

Dagdag pa ng ginang napakaraming pangarap ng kanyang mister para sa kanilang pamilya.

Hindi rin na napigilan ni dela Rosa ang sarili at minura si Delimios nang makita niya na pangiti-ngiti lang ang suspek habang nagsasalita ang biyuda.

Ipinagutos din ng PNP Chief na ipa-drug test si Delimios sa hinala na gumagamit ito ng droga.

Nakilala si Delimios nang lumutang sa Pasay City Police Station ang kanyang live in partner at sinabi na account niya ang ginamit ng suspek para magpa-book sa Grab.

Source link

0 SHARE

Post Comments