Habang naka-wellness leave, Sereno pinayuhang magnilay-nilay na rin

     2 months ago
14
Leave a Comment
0 SHARE

Pinayuhan ng Malacañang si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na gamitin ang wellness leave para magnilay-nilay.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, umaasa ang Palasyo na gagamitin ni Sereno ang wellness leave bilang isang oportunidad na mapagnilayan ang kaniyang legacy sa Korte Suprema at mapag-aralang maigi kung ano ang pinakamaganda para sa institusyong kaniyang pinamumunuan.

Kasabay nito sinabi ni Roque na personal na pagpapasya ang ginawa ni Sereno at kumpiyansa ang Malacañang na hindi mababalam ang pang araw-araw na operasyon ng Supreme Court at hindi maaabala ang mga serbisyo nito sa publiko.

Sinasabing aabutin ng labinglimang araw ang wellness leave ni Sereno.

Source link

0 SHARE

Post Comments