Halili, ibinahagi kay Lacson ang plano ng isang dating heneral na kalabanin siya sa eleksyon

     2 months ago
242
Leave a Comment
29 SHARE

Ibinunyag umano ng yumaong si Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili kay Senator Panfilo Lacson na may nakaalitan itong dating Heneral na nagpaplano sanang kalabanin siya sa pagka-alkalde.

Sinabi ni Lacson na tama lang umanong ikonsidera ng Philippine National Police (PNP) ang anggulo ng alitan ni Halili sa dating Heneral bilang isa sa mga anggulo ng pagpaslang dito.

Ayon sa senador, nabanggit sa kanya ni Halili na lalabanan siya ng dating Heneral sa eleksyon at nag-aalala umano ito dahil sa alam nito ang kapasidad ng dating heneral.

Sinabi pa ni Lacson na sinabi rin sa kanya ng yumaong alkalde ang pagkakakilanlan ng dating Heneral ngunit hindi tamang banggitin ito sa publiko.

Matatandaang sinabi kamakailan ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na nagkaroon nga ng alitan si Halili sa isang dating Heneral.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

29 SHARE

Post Comments