Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa Zambales at Bataan

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Nananatiling malakas at tuluy-tuloy ang nararanasang pag-ulan sa lalawigan ng Zambales at Bataan.

Base sa 5AM rainfall advisory na inilabas ng PAGASA, nakataas ang yellow warning level sa dalawang lalawigan bunsod ng pag-ulan na dulot ng habagat na pinalalakas ng bagyong Ester.

Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ng pagbaha ang mga residente sa nasabing lalawigan na nakatira sa mabababang lugar.

Samantala, light hanggang moderate na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija at Bulacan.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 8:00 ng umaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments