Hepe ng PSG, ayaw mag-sorry sa Rappler

     5 months ago
205
9 Comments
97 SHARE

 

Nanindigan ang commander ng Presidential Security Group (PSG) na si Brig. Gen. Lope Dagoy na hindi siya hihingi ng paumanhin sa sinabi niya tungkol sa reporter ng Rappler na si Pia Rañada.

Matatandaang sa kaniyang pahayag, sinabi ni Dagoy na dapat pang magpasalamat si Rañada dahil hindi siya sinaktan ng tauhan ng PSG sa kabila ng kaniyang pambabastos.

Nang harangin kasi ni Cpl. Marc Anthony Cempron si Rañada, kinulit siya ng reporter na sabihin kung kanino nanggaling ang nasabing kautusan na ang sinabi lang ng PSG officer ay galing “sa itaas.”

Sa panayam sa kaniya ni Presidential Communications Asst. Sec. Mocha Uson, sinabi ni Dagoy na hindi dapat ginawa ni Rañada at ng isa pang reporter ang pangha-harass kay Cempron dahil sumusunod lang naman ito sa kautusan sa kaniya.

Kinondena naman ng Rappler ang pahayag na ito ni Dagoy na inilarawan nilang “unbecoming of an officer.”

Gayunman, iginiit ni Dagoy na hindi siya hihingi ng paumanhin sa Rappler dahil kitang-kita aniya ang pagiging “selective” nito sa paghahanap ng butas sa kaniya, nang hindi man lang ibinibigay sa publiko ang kabuuang sitwasyon sa insidente.

“Imagine, namili lang ng portion of the incident then project me already as the bad guy. Tama ba yan? Ganyan na ba ang standard ng media investigation ng Rappler?” ani Dagoy.

Hinamon ni Dagoy ang Rappler na ilabas ang buong video sa publiko at hayaan ang mga tao na magdesisyon kung sino talaga ang mali sa nangyari.

Giit kasi niya, namili lang ng bahagi ng insidente ang Rappler para magmukha siyang masama.

Dagdag pa ni Dagoy, ang Rappler pa nga ang dapat na humingi ng tawad sa kaniyang sundalo.

Source link

97 SHARE

Post Comments