Higit 7,000 evacuees dahil sa baha at landslides sa Caraga region

     2 months ago
14
Leave a Comment
7 SHARE

BUTUAN CITY – Dahil sa ipinatupad na mandatory at pre-emptive evacuation ng Office of Civil Defense (OCD) Caraga sa mga lugar na mataas ang baha at nangyari ang landslides, nakapagtala ngayon ang ng umaabot na sa 1,707 na mga pamilya o 7,192 na mga indibidwal na lumikas sa 17 mga identified evacuation centers.

Ayon kay April Rose Ann Sanchez, tagapagsalita ng nasabing tanggapan, ang mga evacuees ay mula sa mga bayan sa lalawigan ng Surigao del Norte at Surigao del Sur.

Samantala, mahigpit na monitoring naman ang ginagawa ng Quick Response Team ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Caraga sa mga lugar na apektado ng bagyong Basyang lalo na ang may mga evacuees.

Sinabi ni Eunice Montaus, information officer ng nasabing tanggapan, mayroon mga naka-preposition na 5,000 mga family food packs bilang kanilang augmentation support sa mga local government units na mangangailangan nito.

Maliban sa mga naka-preposition na food packs, mayroon din silang stockpile na 1,166 mga food packs na nagkakahalaga ng P1.7 milyon na nasa kanilang warehouse sa lungsod ng Butuan.

Ang mga food packs ay  nasa mga istratihikong lugar na sa rehiyon na nakaranas nang hanggang leeg na pagbaha gayundin ang landslides sa bayan ng Carrascal sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Pati na rin sa Siargao Island sa Surigao del Norte na nakaranas na ng brownout, Dinagat Island province.

Source link

Post Comments