Hired killer sa pagpatay sa university president, kinasuhan na

     7 months ago
52
Leave a Comment
4 SHARE

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Sinampahan na nang karagdagang kasong murder sa piskalya sa Cagayan de Oro City ang isa sa mga itinurong hitman na pumatay kay University of Science and Technology of Southern Philippines (USTP) president Dr. Ricardo Rotoras.

Una nang naaresto ng mga otoridad sa bisa ng warrant of arrest ang suspek na si Johnreal Abel Gumanay, 33, residente sa Zamboanga del Sur.

Inihayag ni Special Investigation Task Force Group (SITG-Rotoras) spokesperson C/Insp Mardi Hortillosa na inaasahan na nila na magpapatawag ng case conference si city police director S/Supt. Roy Bahian upang matalakay ang case development sa Rotoras killing.

Sinabi ni Hortillosa sa Bombo Radyo na isang malaking “breakthrough” kung magtagumpay ang mga imbestigador maidugtong sa kaso ni Rotoras ang mga ihahayag ng suspek.

Si Gumanay ay unang itinuro ng testigo na kabilang sa umano’y bumaril kay Rotoras kaya kinasuhan ng murder sa piskalya sa siyudad noong Pebrero 2.

Inamin din umano ng suspek na mayroon itong itinumba na hindi kilalang personalidad sa siyudad noong Disyembre 2017.

Si Gumanay ay inaresto batay sa warrant of arrest na inilabas ng korte dahil sa kasong pagpatay kay dating City Vice Mayor Rolando Romero sa Ozamiz City noong taong 2016.

Nasangkot din daw ito pagpaslang sa barangay kapitan at isa pang suspected drug pusher batay naman daw sa kautusan ng mga Parojinog sa Ozamiz City.

Idinawit din si Gumanay sa mga robbery holdup ng mga pawnshop hindi lamang sa Cagayan de Oro City subalit maging sa Metro Manila, Cebu City, Butuan City at sa lungsod sa Pagadian.

Source link

Post Comments