Hirit na ‘state of emergency’ sa Boracay, walang problema – DoT

     7 months ago
19
Leave a Comment
3 SHARE

Wala umanong nakikitang problema ang Department of Tourism (DoT) sa panukalang isailalim sa state of emergency ang Boracay Island kasunod nang matinding issue sa sewerage system kung saan direkta na napupunta sa dagat ang mga dumi ng tao mula sa mga establisyemento.

Magugunitang inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Epimaco Densing III na irerekomenda ng Technical Working Group na isailalim ang isla sa state of emergency dahil sa krisis.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Tourism Assistant Sec. Ricky Alegre, naniniwala silang kung anuman ang magiging rekomendasyon ng DILG kay Pangulong Rodrigo Duterte ay nababatay sa pag-aaral na may kinalaman sa peace and order.

Ayon kay  Alegre, walang dapat ikabahala sa pagdedeklara ng state of emergency dahil hindi naman magiging problema o pangambahan ng mga turista.

Inihayag ni Alegre na katunayan noong naidkelara ang Martial Law sa Mindanao, tumaas pa ang tourists arrivals sa bansa noong 2017 dahil nagugustuhan ng mga turista kung ligtas ang kanilang papasyalang lugar.

Source link

Post Comments