Hirit ni CJ Sereno na sumali sa impeachment proceedings ang kanyang mga abogado, ibinasura ng House Justice Committee

     10 months ago
46
Leave a Comment
0 SHARE

Ibinasura ng House Justice Committee ang hirit ni Supreme Court (SC) Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na i-cross examine ng kanyang mga abogado ang mga testigo na ipiprisinta ng complainant na si Atty. Larry Gadon.

Sa botong 30-4, hindi pinayagan ng komite ang hirit ni Sereno na direktang ma-cross examine ng kanyang mga abogado ang mga testigo laban sa kanya.

Patuloy pa rin naman umanong iimbitahan ng komite si Sereno para dumalo sa impeachment proceedings laban sa kanya.

Una rito, sinabi bi House Majority Leader Rudy Fariñas na hindi umano maigigiit ni Sereno na ma-cross examine ang mga testigo dahil nasa preliminary hearing pa lamang sila.

Ipinagtataka rin umano ni Fariñas kung bakit iginigiit ni Sereno na ma-cross examine ang mga testigo gayong sa trial proper pa lamang o sa full trial ito isasagawa.

Nanindigan din si House Justice Committee chair Rep. Reynaldo Umali na tanging ang ie-entertain nila ngayon sa proceedings ay sina Gadon at Sereno.

Source link

Post Comments