Historic meeting nina Kim Jong-un at Moon Jae-in inaabangan ng mga world leaders

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Inaabangan na ngayong umaga ang gagawing pagpupulong ng dalawang lider ng North at South Korea.

Itinuturing kasi na ito ang kauna-unahang paghaharap nina North Korea lider Kim Jong-un at South Korea lider Moon Jae-in.

Huling nagkaroon ng meeting ang dalawang bansa noong 1950.

Gaganapin ang nasabing meeting sa demilitarized zone (DMZ) sa pagitan ng bansa dakong alas-8:30 ng umaga (oras sa Pilipinas).

Ilan sa mga pag-uusapan nila ay ang denuclearization ng Korean peninsula, peace settlement at ang pagpapabuti ng relasyon ng North and South Korea.

Magsasagawa muna ng maikling programa bago ang pormal na meeting sa Peace House isang South Korean building na nasa border ng Panmunjom village.

Nagtayo na rin mga giant TV screens ang gobyerno ng South Korea para tunghayan ang gagawing meeting ng dalawa.

Umaasa naman ang maraming mga world liders na magiging matagumpay ang pag-uusap ng dalawang lider para sa tuluyang makamtan ang kapayapaan sa Korean peninsula.

Source link

0 SHARE

Post Comments